Posted by: Patrick Lim | April 8, 2009

Bawal ba ayon sa Biblia ang pagdalaw sa libingan ng ating mga mahal sa buhay?

Tanong: Good evening, Bro. Eli. Gusto ko lang po sanang maliwanagan tungkol sa nakaraang araw ng mga patay na halos ino-observe ng maraming tao. Meron po bang nilalabag na kautusan o bawal po ba ayon sa Biblia ang pagdalaw sa libingan ng ating mga mahal sa buhay? Hindi naman po para maglagay ng kandila, bulaklak o ipagdasal sila, kundi bilang pag-alala sa kanila ay madalaw ko ang kanilang puntod na pinaglibingan sa araw na ito.

Bro. Eli Soriano: Ah, kung hindi kayo nakikiayon sa sanlibutan at sa maling pananampalataya, eh kahit anong araw nyo dalawin okay yun eh, wala namang masama ron eh. Kaya lang sayang naman ang oras nyo kung araw-araw kayong magdadadalaw. Pero pwede nyo namang dalawin sa ibang araw, para huwag kayong makadiwa nung mga taga-sanlibutan. Utos po kasi yan eh. Roma 12:2

At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Gusto nyo buwan-buwan dalawin nyo eh. Huwag nyo lang itapat sa a-primero, para huwag kayong makadiwa nung mga taga-sanlibutan na bunga ng maling pananampalataya ay gumagawa ng ganong bagay. Pwede naman kayong dumalaw dun ng ibang araw, hindi ba kapatid? Kung talaga ang layon nyo eh para alalahanin nyo lang yung inyong mahal sa buhay na sabi nyo eh mahal nyo, aba eh kahit na araw-araw dumalaw ka pwede eh, kung hindi ka masyadong busy eh. Kahit buwan-buwan, kahit linggo-linggo, pwede po. Pero itataon nyo sa araw ng dalaw nila, eh nakikiisa kayo sa maling pananampalataya. Yon po ang nagiging punto ron, kapatid.

Ang Dating Daan Bible Exposition
November 6, 2008, ADD Convention Center, Apalit, Pampanga, Philippines


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: