Posted by: Patrick Lim | April 8, 2009

Pwede bang magsuot ng pajama ang babae kahit sa bahay lang?

Tanong: Ang tanong ko po, kung makaanib na kami, kasi po uma-attend na kami sa pagkakatipon, kung sakali po, kung sa bahay po, pu-pwede po bang magsuot ng pajama, kahit sa bahay lang po? Baka po kasi ipatiwalag nyo kami, o ipatiwalag nyo ko pag nagsuot ng pajama.

Bro. Eli Soriano: Hindi naman po ganun, kapatid, hindi naman masama yung nasa bahay kayo, lalo na kung natutulog, eh yan nga ang payo ko kina Sister Luz eh, pagka matutulog ang babae, mas maganda kung may pajama. Kahit medyo maiinit. Kasi ang babae, pag natutulog ka’t nabukaka ka, eh hindi mo naman alam kung sino nakatingin. At saka meron naman tayong tabas ng damit na hindi mahalay eh. Yung parang slacks na hindi naman mahalay na, hindi naman masikip na masikip na markadong markado yung katawan, yun naman po kasi ang aral eh, magsuot ng mahinhing damit. Basahin mo nga Sister Luz yon, sa I Timoteo.

Gayon din naman, na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon…

Ayon. Ang hinihingi po sa’tin, matimtimang damit. Hindi naman tabas ang hinihingi kundi yung matimtimang damit. Kagaya rin, narito po ako sa America, dito po kung minsan ang temperature 4 degrees, 6 degrees, talaga pong napakaginaw dito, kapatid. Eh ang mga kapatid dito, meron silang mga slacks talaga. Pinagsusuot ko sa tindi ng ginaw. Pero hindi naman kagaya nung mga ginagawang suot ng mga babae dyan na napakahalay. Sila, nakasuot man sila ng slacks, may palda sila, natatakpan yung kanilang harapan, at mahaba ang blusa. Yung mahinhing damit, hindi nagbibigay ng suwestiyon sa mga taong nakakakita. Yun lang naman po ang aral sa atin. Hindi naman po masama yung nasa bahay kayo eh magsuot kayo ng pajama. Hindi po masama yon.

Ang Dating Daan Bible Exposition
November 6, 2008, ADD Convention Center, Apalit, Pampanga, Philippines


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: